A pop-culture quiz for 90’s kids

premadonna asks:

1. Sa palabas na Teenage Mutant Ninja Turtles: Ang daga ay si Splinter, ang kalaban na may metal helmet ay si Shredder, ang dalawang goons ay si Rocksteady at Bebop. Ano ang pangalan ng mukhang kurimaw na may utak sa tiyan?

2. Ano ang pangalan ng character ni Aiza Seguerra sa Okey ka, Fairy ko?
For bonus points: sino si Prinsepe K?

3. Ano ang ibig sabihin ng “CTG” sa rap lyrics na “CTG kita, miss miss pakipot/ CTG kita, miss miss suplada”?
Bonus point: Ano ang pangalan ng rap group na ito?
4. Sa Batibot, ano ang mahilig sabihin ni Sitsiritsit at Alibangbang?

5. Magbigay ng pangalan ng isa sa mga kaklase ni Princess Sara.

6. Sa Marimar, ano ang pangalan ng nag-iisang black na character (yung babeng mataba)?
Bonus point: Ano ang pangalan ng aso?

7. Si B1 at B2, laging magkasama. Lahat ng oras, sila ay masaya. Ano ang pangalan ng kaibigan nilang daga?

8. Bago nauso ang pelikulang Jologs, anong grupo ang original na kumanta ng Next in Line?

9. Anong palabas ang nagpa-uso ng popular na phrase na “CHIKEN!” *with matching hand gesture*?

10. Magbigay ng pangalan ng isa sa limang Batang X.

11. Ano ang paborito mong game sa Takeshi’s Castle?

12. Complete the phrase: “Lilipad, lipipad, _________!”

13. Bago sya mag-transform bilang si Sailor Moon, ano ang pangalan nya (hindi pwede “Usagi”. Yung ‘Tagalized’ version.)?

14. Sino si Buloy?

15. Sino ang kumanta ng “Sinaktan mo ang Puso ko”?
Bonus point: Magibigay ng isang linya sa kanta. Hindi pwedeng ‘sinaktan mo ang puso ko’.

16. Ano ang dalawang kahulugan ng “Smokey Mountain”?

17. Kung sasabihin ko, “E, paano kung walang ice?”, ang sagot mo ay __________________.

19. Ano ang papel ni Donita Rose sa Ober da Bakod?

20. Anong kanta ito (pagpasensyahan ang imbentong lyrics): “kung koila/ a chidi kong koila/ a butchikik ik ek ek”?
Bonus Point: Sinong kumanta nito?

21. Aling kanta ng Eraserheads ang na-feature sa pelikulang T.G.I.F?

22. Aling brand ng powedered milk ang dapat iniinom three times a day? (Clue: ito yung may baka sa lata)

23. Banal na aso! Santong Kabayo! Natatawa ako, _________________”

24. Ano ang dahilan ng isang luzon-wide black out, at ano ang ginagawa mo nang mga panahon na iyon? (Clue: sea-life)

25. Ano raw ang maririnig mo pag nag-backmask ka ng kantang Alapaap ng Eraserheads, o Laklak ng The Teeth?

26. Sino ang bestfriend ni Kiko Matsing?

27. Four-Thirty na! _______ na!

28. Ano ang tawag ng mga radio stations sa Pinoy rock music na long hair ang mga banda at pa-slam-slam pa ang ulo?

29. Ano [raw] ang kantang pinapatugtog sa Ozon Disco nang masunog ito?

30. Anong kendi ang sinasabing may cocaine?

31. Ang mga ‘kisses’ ay pabango ng kotse na maliliit na bilog ng hardened gel. Itinatago ito ng mga batang babae sa panyo o sa cotton. Bakit?

32. Ano ang pangalan ng palabas ni Inday Badiday?

33. Gusto kong tumira sa buwan, pero…?

34. Ano ang ‘pog’?
Bonus Point: Anong sofdrink makakakuha ng pog?

35. Sinong Hollywood actress ang nagsabing puno raw ng amoy ng ipis ang Pilpinas?

10 Comments

Leave a Reply to Kerstin Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You can add images to your comment by clicking here.