A pop-culture quiz for 90’s kids

premadonna asks:

1. Sa palabas na Teenage Mutant Ninja Turtles: Ang daga ay si Splinter, ang kalaban na may metal helmet ay si Shredder, ang dalawang goons ay si Rocksteady at Bebop. Ano ang pangalan ng mukhang kurimaw na may utak sa tiyan?

2. Ano ang pangalan ng character ni Aiza Seguerra sa Okey ka, Fairy ko?
For bonus points: sino si Prinsepe K?

3. Ano ang ibig sabihin ng “CTG” sa rap lyrics na “CTG kita, miss miss pakipot/ CTG kita, miss miss suplada”?
Bonus point: Ano ang pangalan ng rap group na ito?
4. Sa Batibot, ano ang mahilig sabihin ni Sitsiritsit at Alibangbang?

5. Magbigay ng pangalan ng isa sa mga kaklase ni Princess Sara.

6. Sa Marimar, ano ang pangalan ng nag-iisang black na character (yung babeng mataba)?
Bonus point: Ano ang pangalan ng aso?

7. Si B1 at B2, laging magkasama. Lahat ng oras, sila ay masaya. Ano ang pangalan ng kaibigan nilang daga?

8. Bago nauso ang pelikulang Jologs, anong grupo ang original na kumanta ng Next in Line?

9. Anong palabas ang nagpa-uso ng popular na phrase na “CHIKEN!” *with matching hand gesture*?

10. Magbigay ng pangalan ng isa sa limang Batang X.

11. Ano ang paborito mong game sa Takeshi’s Castle?

12. Complete the phrase: “Lilipad, lipipad, _________!”

13. Bago sya mag-transform bilang si Sailor Moon, ano ang pangalan nya (hindi pwede “Usagi”. Yung ‘Tagalized’ version.)?

14. Sino si Buloy?

15. Sino ang kumanta ng “Sinaktan mo ang Puso ko”?
Bonus point: Magibigay ng isang linya sa kanta. Hindi pwedeng ‘sinaktan mo ang puso ko’.

16. Ano ang dalawang kahulugan ng “Smokey Mountain”?

17. Kung sasabihin ko, “E, paano kung walang ice?”, ang sagot mo ay __________________.

19. Ano ang papel ni Donita Rose sa Ober da Bakod?

20. Anong kanta ito (pagpasensyahan ang imbentong lyrics): “kung koila/ a chidi kong koila/ a butchikik ik ek ek”?
Bonus Point: Sinong kumanta nito?

21. Aling kanta ng Eraserheads ang na-feature sa pelikulang T.G.I.F?

22. Aling brand ng powedered milk ang dapat iniinom three times a day? (Clue: ito yung may baka sa lata)

23. Banal na aso! Santong Kabayo! Natatawa ako, _________________”

24. Ano ang dahilan ng isang luzon-wide black out, at ano ang ginagawa mo nang mga panahon na iyon? (Clue: sea-life)

25. Ano raw ang maririnig mo pag nag-backmask ka ng kantang Alapaap ng Eraserheads, o Laklak ng The Teeth?

26. Sino ang bestfriend ni Kiko Matsing?

27. Four-Thirty na! _______ na!

28. Ano ang tawag ng mga radio stations sa Pinoy rock music na long hair ang mga banda at pa-slam-slam pa ang ulo?

29. Ano [raw] ang kantang pinapatugtog sa Ozon Disco nang masunog ito?

30. Anong kendi ang sinasabing may cocaine?

31. Ang mga ‘kisses’ ay pabango ng kotse na maliliit na bilog ng hardened gel. Itinatago ito ng mga batang babae sa panyo o sa cotton. Bakit?

32. Ano ang pangalan ng palabas ni Inday Badiday?

33. Gusto kong tumira sa buwan, pero…?

34. Ano ang ‘pog’?
Bonus Point: Anong sofdrink makakakuha ng pog?

35. Sinong Hollywood actress ang nagsabing puno raw ng amoy ng ipis ang Pilpinas?

10 Comments

  1. 2. Aiza (Bonus: Bayani Casimiro Jr)

    3. Crush, type gusto. (Bonus: Urban Flow)

    4. Salaguinto at salagubang?

    6. (Bonus: Fulgoso)

    8. After Image

    9. Tropang Trumpo

    15. Michael V (‘Pinukpok mo ng martilyo’)

    16. Tambakan ng basura na karimarimarim. Grupo ng mang-aawit na binuo ni Ryan Cayabyab na pinangunahan ni Geneva Cruz.

    17. ‘Eh di, manigas ka!’

    20. Butsekik (saka ang lyrics na tama ay ‘Pong chwai la / Chi chiri kong koila / Butsekik, ek ek ek…’) Bonus: Ang dakilang si Yoyoy Villame, sumalangit nawa

    22. Birch Tree, it’s everybody’s milk.

    23. Hi hi hi.

    25. Pagdudroga at kademonyohan.

    26. Pong Pagong

    27. Ang TV!

    32. See True, Eye to Eye at Face to Face

    34. Masaya yun, pabilog na malambot pero parang karton. Bili ka ng Royal Tru Orange.

    35. Claire Daines

    Thank you, premadonna

  2. 1. Krang.
    2. Aiza rin? Bonus: Bayani Casimiro, Jr.
    3. Crush/Type/Gusto. Bonus: Death Threat?
    4. Sitsiritsit at Alibangbang.
    5. Ermengard.
    6. Nalimutan ko na. Bonus: Pulgoso.
    7. Doding Daga.
    8. Afterimage.
    9. Tropang Trumpo.
    10. Di ko na alam ‘yan haha.
    11. ‘Yung maze na hahabulin ka ng dalawang monster.
    12. Takure!
    13. ‘Di ko rin alam.
    14. Ang amo ni Morlock.
    15. Michael V. Bonus: Binuhusan mo ng asido.
    16. Ang bundok ng basura, at ang singing group.
    17. Nalimutan ko na.
    18. Wala kayong 18!
    19. Girl ni Bubuli.
    20. A butchikik. Bonus: Yoyoy Villame.
    21. Pare Ko?
    22. Birch Tree.
    23. Hi hi hi hi.
    24. ‘Di ko na maalala ‘to.
    25. Smoke marijuana?
    26. Pong Pagong.
    27. Ang TV.
    28. Headbangers?
    29. ‘Di ko rin alam. May kamag-anak akong namatay sa Ozone ha. Hehe.
    30. Ows meron?
    31. Kasi nanganganak daw ang mga ito.
    32. Eye to Eye at See-Through.
    33. ‘Di ko alam.
    34. Milk caps na tinitira ng “Slammer”. Bonus: Coke.
    35. Claire Danes.

    paki-grade pls. thanks hehe.

  3. Sting,

    6. Corazon yung black girl

    13. Bunny

    17. “masarap pa rin!”

    18. Trick question. He he.

    24. Swarms of Jellyfish sa water station.

    25. Ang alam ko, satanist shit.

    29. Popular opinion says Macarena

    30. Stork

    33. Another trick question. ‘Gusto kong pumunta sa buwan, pero ayokong tumira dyan.’

    You did pretty good, Man. 🙂 Vintage 90’s kid!

  4. May premyo?

    2. Aiza. Bonus: Bayani Casimiro Jr.
    4. Sitsiritsit at Alibangbang
    5. Lavinia
    6. Corazon. Bonus: Fulgoso
    7. Doding Daga
    8. Introvoys
    9. Tropang Trumpo
    11. Yung mga balon na may monster sa loob
    12. Takure!
    13. Bunny Tsukino
    14. Yung nasa kanta ng PnE na nagsuicide dahil namatay si Morlock
    15. Michael V. Bonus: Binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo
    16. (a)Tambakan (b)kumanta ng Coconut Nut is a giant nut
    17. Eh di masarap pa rin
    19. Barbie Doll
    20. Buchikik. Bonus: Yoyoy Villame
    23. Hihihihi
    24. Dikya
    25. Satanic messages
    26. Pong pagong
    27. Ang TV
    31. Para manganak
    32. Eye to Eye
    33. Parang mali to. Commercial ng Jollibee?
    34. Parang teks pero bilog. Bonus: Coca-Cola
    35. Claire Danes

  5. subukan ko lang.
    1. Krang
    2. Aiza, Bonus: Bayani Casmiro, Jr
    3. Crush. Type, gusto
    4. ?? kung di ako nagkakamali, sitsiritsit alibangbang rin ata.
    5. Lottie
    6. Corazon. Bonus: Pugoso/Fugoso
    7. Toting Daga
    8. After Image
    9. Tropang Trumpo
    10. KidLat – favorite ko siya kasi parang cyclops
    11. —
    12. —
    13. Bunny
    14.–
    15. Michael V (Bunuhusan mo ng Asido)
    16. Bundok na gawa sa basura, —
    17. Eh di, Manigas ka.
    18.??
    19.
    20. Buchikik Bonus: Yoyoy Villame
    21. —
    22. Birch Tree. ito ang gastas ko dati hangang naging radioactive na daw.
    23. Hihihihi
    24, Jellyfish
    25. Satanic Messages (ang alam ko ung sa Overdrive = Nasusuka ako sa pangalan ni Jesus)
    26. Pong Pagong
    27. Ang TV
    28.
    29. Macarena? Mr. DJ?
    30.
    31. Para mabuntis at manganak.
    32. Eye to Eye, Face to Face
    33. —
    34. bilog na karton na pinagpapatong patong. tinira ito ng slammer ang paramihan ng mahulog.
    Bonus: Coke, or any coca-cola products
    35. Claire Danes.

  6. Thanks a lot for sharing this with all people you actually recognise what you’re
    talking approximately! Bookmarked. Please additioally discuss with my site =).
    We ould havve a link change agreement betwween us

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You can add images to your comment by clicking here.