Pilosopo Tasyo’s ears will never be the same again.
Kabanata 35 — Ang Tanghalian
… “Mga ginoo,” ani Kapitan Tiyago, natataranta. “darating ang Kaniyang Kataas-taasang Kapitan Heneral ngayong hapon upang bigyang-dangal ang aking tahanan!”
At tumakbong dala ang telegrama, at pati ang serbilyeta, ngunit walang sombrero, habol ng mga bulaslas at mga tanong.
“Pero hintay kayo! Kailan darating? Isalaysay naman ninyo sa amin!”
Malayo na si Kapitan Tiyago.
“Alas-kwatro ang dating ng Kaniyang Kataas-taasan, senyores!” taimtim na pahayag ng Alkalde. “Puwede pa tayong kumain nang matiwasay!”
Higit sanang mainam ang wika ni Leonidas sa Termopilas: “Maghahapunan tayo ngayong gabi kasalo ni Pluto!”
— Noli me Tangere, Jose Rizal (salin sa Filipino ni Virgilio S. Almario)
-PreMadonna, but, ultimately, Dr. Jose P. Rizal, the most indolent indio of them all.
One comment